Halos 900 panukala, naihain sa Kamara sa unang araw ng 18th Congress
Umakyat na sa halos 900 panukala ang naihain ng mga mambabatas at kanilang staff sa unang araw ng 18th Congress sa Kamara.
Sa tala ng Bills and Index, umabot sa 890 House Bills at 24 na resolusyon ang inihain sa South Wing Lobby.
Kabilang na rito si Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon na naghain ng 100 panukalang batas na may kinalaman sa national defense and security, peace and order at local governance, edukasyon, agrikultura at reporma sa Bureau of Customs (BOC).
Ang pagbawi sa Rice Tariffication Law naman ang inihain ng Gabriela Party-list na tinawag nitong band-aid solution sa pagpaparami ng suplay ng bigas sa bansa dahil pinakaapektado ang lokal na industriya.
Kasama rin dito ang legalisasyon ng medical marijuna ni Isabela Rep. Tonypet Albano.
Samantala, 30 panukala ang isinumite ng Bayan Muna na kinabibilangan ng isinusulong na P750 na national minimum wage, SSS pension increase at P16,000 na minimum wage para sa government employees.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.