Gusto ni Senator Manuel “Lito” Lapid na mapalawak ang sakop ng economic sabotage at maisama dito ang investments scams.
Base sa obserbasyon ni Lapid, ang economic sabotage ay maari rin maisagawa ng isang indibidwal hindi lang ng isang grupo lalo na ang panloloko sa mga mamumuhunan.
Bunga nito, sa inihain niyang Senate Bill 53 o ang ‘An Act Expanding the Scope of the Crime of Economic Sabotage,’ nais ng senador na maparusahan ang mga pasimuno ng mga investment scams.
Pagdidiin ni Lapid dapat ay matigil na ang mga nagsasamantala sa ating mga kababayan na gusto lang kumita ng maliit kaya’t aniya kailangan ay makulong ang mga gumagawa nito, indibidwal man o grupo.
MOST READ
LATEST STORIES