DOJ nagbabala sa mga opisyal at miyembro ng KAPA sa posibleng pagkakaresto ng walang warrant
Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) sa mga opisyal at miyembro ng Kapa-Community Ministry International na posible silang maaresto nang walang warrant.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ito ay kung ipagpapatuloy nito ang pag-offer at pagbebenta ng investment nang walang lisensya.
Balido aniya ang warrantless arrest kung patuloy ang paggawa ng krimen ng mga suspek.
Sinabi ng kalihim na mayroong reklamo mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) dahil sa umano’y paglabag sa batas.
Kung itutuloy aniya ang inireklamong aktibidad, maitututring itong pagtutuloy ng krimen at hindi kailangan ng warrant of arrest dito.
Matatandaang naghain ang SEC ng kasong kriminal laban sa Kapa dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code noong June 8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.