Filipino suicide bomber sa pagsabog sa Indanan, Sulu nakilala na

Nakilala na ng militar ang unang Filipino suicide bomber sa pagsabog sa bayan ng Indanan, Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command (Wesmincom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isa si Norman Lasuca, 23-anyos, sa dalawang suicide bomber sa insidente.

Ang isa pang suicide bomber ay hinihinalang Caucasian.

Ayon kay Maj. Gen. Cirilito Sobejana, hepe ng Wesmincom, nakilala ang suspek ng kanyang mga magulang.

Sinabi naman ni AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na ibeberipika ang pagkakakilanlan nito sa pamamagitan ng DNA test.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng militar kung suicide attack ang insidente o hindi.

Matatandaang umabot sa 8 ang nasawi habang 22 ang nasugatan sa nangyaring pagsabog.

Read more...