2 hinihinalang miyembro ng ASG arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Taguig at Maynila
Timbog ang dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa magkahiwalay na operasyon sa Taguig City at Maynila.
Iprinisinta sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek na sina Ibno Ismael alyas “Abu Kodano” at Totoni Hairon.
Ayon kay Eric Distor, Assistant Director for Intelligence Service ng NBI, naaresto ang mga suspek base sa inilabas na warrant of arrest ng Basilan Regional Trial Court.
Nahaharap ang dalawa sa walong count ng kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa 2001 Golden Harvest Kidnapping Case sa Basilan.
Ayon sa NBI, nagtatrabaho si Ismael bilang construction worker sa Taguig habang si Hairon naman ay bilang security guard sa Port Area sa Maynila.
Sa ngayon, nakadetine ang dalawa sa NBI Detention Facility at ililipat sa Zamboanga City Jail.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.