Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang pag-apruba sa 39th cabinet meeting kagabi sa Malakanyang.
Ayon kay Panelo, inilatag nina Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia and Usec. Adoracion Navarro ang plano para sa solid at liquid waste management, rehabilitasyon, pagsasaayos sa ecosystem, pagpapatupad ng mga batas para sa regulasyon ng mga bisita at accommodation sa mga hotel, pagpapaganda ng mga kalsada, pagtatayo ng permanent housing para sa mga katutubo, at mga pasilidad para sa education at public health sectors sa Boracay.
Ayon sa NEDA, aakuin ng private sector ang mahigit 60 porsyento na gastos sa action plan.
Matatandaang April 2018 nang ipasara ng anim na buwan ni Pangulong Duterte ang isla ng Boracay para bigyang daan ang rehabilitasyon.