P25B Boracay Medium-Term Action Plan, aprubado na ni Pangulong Duterte
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 25 bilyong pisong Boracay Medium-term Action Plan.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang pag-apruba sa 39th cabinet meeting kagabi sa Malakanyang.
Ayon kay Panelo, inilatag nina Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia and Usec. Adoracion Navarro ang plano para sa solid at liquid waste management, rehabilitasyon, pagsasaayos sa ecosystem, pagpapatupad ng mga batas para sa regulasyon ng mga bisita at accommodation sa mga hotel, pagpapaganda ng mga kalsada, pagtatayo ng permanent housing para sa mga katutubo, at mga pasilidad para sa education at public health sectors sa Boracay.
Ayon sa NEDA, aakuin ng private sector ang mahigit 60 porsyento na gastos sa action plan.
Matatandaang April 2018 nang ipasara ng anim na buwan ni Pangulong Duterte ang isla ng Boracay para bigyang daan ang rehabilitasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.