Mga maghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte hindi ipaaaresto ng Malakanyang sa PNP

By Chona Yu July 02, 2019 - 03:50 PM

Hindi aarestuhin ng pamahalaan ang sinumang maghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng Palasyo matapos magbanta si Pangulong Duterte na kanyang ipaaaresto ang sinumang maghahain ng naturang reklamo bagay na sinang-ayunan naman ng Philippine National Police (PNP) lalo na kapag may nakikitang violation.

Paliwanag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, karapatan at kalayaan ng sinuman ang maghain ng impeachment laban sa isang pangulo.

Sinabi pa ni Panelo na pagpapahayag lamang ng pagkadismaya nang masambit ng pangulo na kanyang ipaaaresto ang mga maghahain ng impeachment complaint.

Hindi kasi aniya maintindihan ng pangulo na hindi pinapahalagahan ng kanyang mga kritiko na ang kanyang ginagawa sa isyu sa Recto Bank incident ay pagprotekta sa taong bayan at sa bayan.

TAGS: albayalde, China at Pilipinas, hindi Ipaaaresto, impeachment, Pangulong Duterte, PNP, Recto Bank incident, Spokesperson Salvador Panelo, West Philippine Sea, albayalde, China at Pilipinas, hindi Ipaaaresto, impeachment, Pangulong Duterte, PNP, Recto Bank incident, Spokesperson Salvador Panelo, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.