Malakanyang dumistansya sa pag-inhibit ni Senior associate justice Carpio sa kaso sa West Philippine Sea

By Chona Yu July 02, 2019 - 03:10 PM

Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang naging desisyon ni Senior associate justice Antonio Carpio na mag-inhibit sa kaso sa West Philippine Sea.

Ito ay may kaugnayan sa inihaing writ of kalikasan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at grupo ng mga mangingisda mula sa Palawan at Zambales na humihirit sa pamahalaan na i-preserve, restore at irehabilitate ang Panatag Shoal, Ayungin Shoal at Panganiban Reef.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, personal na desisyon ang ginawa ni Carpio.

Ayon kay Panelo, hindi makikialam ang Malakanyang kung sa tingin ng mahistrado na tama ang kanyang ginawa.

Una rito, humirit ang solicitor general sa Supreme Court na mag-inhibit si Carpio sa kaso dahil sa pagiging hayagang kritiko ng administrasyon partikular na sa mga polisiya sa maritime dispute sa West Philippine Sea.

TAGS: Palasyo ng Malakanyang, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Senior Associate Justice Antonio Carpio, West Philippine Sea, Palasyo ng Malakanyang, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Senior Associate Justice Antonio Carpio, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.