Bagong DICT Sec. Honasan hiniritan ng mga dating kasamahan sa senado

Hindi pa nag-iinit sa kanyang bagong posisyon, agad nang hiniritan si Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan ng kanyang mga dating kasamahan sa senado.

Agad kinamusta ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto kay Honasan ang programa para sa pagkakaroon ng libreng public Wi-Fi hotspots.

Sinabi ni Recto na sinuportahan ni Honasan ang programa noong ito ay binabalangkas pa sa senado.

Paalala nito, napaglaanan na ang programa ng P8 bilyon at sa 34,236 target sites sa pagtatapos ng taon, may 2,677 pa lang ang operation.

Gayunman, tiwala si Recto sa kakayahan ni Honasan na ayusin ang isyu.

Sa bahagi naman ni Sen. Sonny Angara, inihirit nito kay Honasan na madaliin ang paglalagay ng libreng internet sa mga state colleges and universities sa buong bansa.

Banggit nito, sa 112 SUCs sa bansa, 17 pa lang ang mga libreng Wi-Fi hotspots at aniya napakahalaga ng internet sa pag-aaral.

Read more...