Sen. Risa Hontiveros pinuna ang pahayag ni PNP Chief Albayalde hinggil sa impeachment kay Pangulong Duterte
Pinaalalahanan ni Senator Risa Hontiveros si PNP Chief Oscar Albayalde sa naging pahayag nito ukol sa mga nais mapatalsik sa puwesto si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng impeachment.
Itinuturing ni Hontiveros na pananakot ang ginawa ni Albayalde laban sa mga nais singilin si Pangulong Duterte sa mga inaakala nilang maling pamamaraan nito sa pamamagitan ng tamang proseso.
Iginiit ng senadora sa hepe ng pambansang pulisya na ang impeachment ay nakasaad sa Saligang Batas at bahagi ng demokratikong proseso sa bansa.
Bahagi aniya ito ng ‘check and balance system’ para pang-aabuso sa bahagi ng mga nasa kapangyarihan at mapanatili ang ‘rule of law.’
Pagdiiin niya ang maging bahagi ng impeachment call ay hindi krimen at hindi maaring gamitin basehan para kasuhan at arestuhin ang isang indibiduwal.
Dagdag pa ng senadora, ang responsibilidad para alamin kung maaring sampahan ng impeachment complaint ang isang opisyal ay nakaatang sa mga balikat ng mambabatas.
Una nang sinabi ni Albayalde na maaring arestuhin ng PNP ang magsasampa ng impeachment complaint laban sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.