Ayon kay Rep. Duterte, hati ngayon ang Kamara dahil sa speakership race kaya maaring siyang makatulong upang mapagkaisa ito.
Paliwanag nito, pare-pareho naman silang ibinoto ng mga tao at kung mayroong usapang term sharing at dapat silang lahat na nais maging speaker ay magkaroon ng term sharing.
Ipinanukala din nito na ang pagiging house speaker ay paghahatian ng mga kinatawan mula sa Mindanao, Visayas, Luzon at partylist groups.
Kakausapin ni Rep. Duterte ang Visayan bloc, Mindanao bloc at Partylist group upang maghalal ng kanilang nais maging speaker para sa term share.
Nilinaw naman nito na hindi tungkol sa personalidad ang pinag-uusapan sa speakership kundi ang kapakanan ng bansa.