Pagtakbo bilang house speaker pinag-iisipan na ni Davao Rep. Paolo Duterte

By Erwin Aguilon July 02, 2019 - 12:46 PM

Pinag-iisipan na ngayon ni presidential son at Davao Rep. Paolo Duterte ang tumakbo bilang house speaker.

Ayon kay Rep. Duterte, hati ngayon ang Kamara dahil sa speakership race kaya maaring siyang makatulong upang mapagkaisa ito.

Paliwanag nito, pare-pareho naman silang ibinoto ng mga tao at kung mayroong usapang term sharing at dapat silang lahat na nais maging speaker ay magkaroon ng term sharing.

Ipinanukala din nito na ang pagiging house speaker ay paghahatian ng mga kinatawan mula sa Mindanao, Visayas, Luzon at partylist groups.

Kakausapin ni Rep. Duterte ang Visayan bloc, Mindanao bloc at Partylist group upang maghalal ng kanilang nais maging speaker para sa term share.

Nilinaw naman nito na hindi tungkol sa personalidad ang pinag-uusapan sa speakership kundi ang kapakanan ng bansa.

TAGS: 18th congress, House Speakership, paolo duterte, 18th congress, House Speakership, paolo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.