Libreng Wi-Fi access sa Quirino Memorial Medical Center pinasinayaan ni DICT Sec. Honasan
Isang araw maitalaga bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si dating Sen. Gringo Honasan, agad nitong pinangunahan ang paglulunsad ng libreng Wi-Fi access sa Quirino Memorial Medical Center.
Ang QMMC ay magkakaroon ng 10-times free wifi access points.
Ayon kay Honasan, prayoridad ng free Wi-Fi ang mga pasyente at pamilya ng mga ito na nasa ospital, upang mapadali ang kanilang komunikasyon sa pamamagitan video call sa kanilang mga kamag-anak na may sakit.
Sinabi pa ni Honasan na ang QMMC ay una lamang sa free Wi-Fi project ng DICT, dahil target nila na malagyan rin lahat ang 46 na government hospital.
Tiniyak naman ni DICT Undersecretary Eliseo Rio na hindi magiging ningas kugon ang nasabing proyekto dahil ito ay sinusuportahan ng batas.
Nagpasalamat naman ang pamunuan ng QMMC sa proyekto ng DICT na pakikinabangan ng lubos ng kanilang mga pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.