Pagkamatay ng 3 taong gulang na bata sa drug war ng administrasyon, kinondena ng Human Rights Watch

By Dona Dominguez-Cargullo July 02, 2019 - 12:20 PM

Isang tatlong taong gulang na batang babae ang panibagong biktima ng kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga ayon sa Human Rights Watch (HRW).

Tinukoy ng HRW ang batang si Myka Ulpina na nasawi matapos mabaril sa kasagsagan ng police operation sa Rodriguez, Rizal.

Target ng operasyon ang ama ni Myka na si Renato Dolofrina.

Ayon kay HRW Asia Division researcher Carlos H. Conde, si Myka ay naging pinakabagong casulaty sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapatay na ng libu-libong katao sa nakalipas na tatlong taon.

Nakasaad sa pahayag ng HRW na hindi maituturing na reliable ang pahayag ng pulisya na ginamit ni Dolorfina bilang human shield ang kaniyang anak sa kasagsagan ng operasyon.

Ito ay dahil marami na umanong pagkakataon nagtatanim ng ebidensya gaya ng armas at ilegal na droga ang mga pulis para mapangatwiranan ang pagpatay.

TAGS: drug war, Duterte administration, human rights watch, drug war, Duterte administration, human rights watch

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.