Unang utos ni dating Police Gen. Benjamin Magalong bilang mayor ng Baguio City: Smile and Relax

FB Photo
Kakaiba ang unang kautusan ni retired Police General Benjamin Magalong bilang Mayor-elect ng Baguio City.

Sa pagdalo niya kahapon sa unang flag raising ceremony bilang alkalde ng lungsod, unang iniutos ni Magalong sa mga empleyado ng City Hall na mag-“smile and relax.”

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Magalong na hindi totoo ang kumakalat na balita na mistulang batas militar ang paiiralin niya sa lungsod.

Panawagan nito sa empleyado, relaks lang at ngumiti tuwing siya ay makikita na dapat aniya ay gawin din sa mga taong papasok sa city hall.

Noong Linggo ay pormal na nanumpa si Magalong bilang alkalde at isa sa mamanahin niya sa lungsod ng Baguio ay ang problema sa basura at ang lumalang problema sa trapiko.

Read more...