Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nag-donate ng kulungan ng hayop sa Manila City Pound

By Dona Dominguez-Cargullo July 02, 2019 - 10:27 AM

Kilalang pet lover ang celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa post sa Facebook ng Manila Public Information Office, pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ang magkasintahan sa pagbibigay ng 10 animal cages para sa Manila City Pound.

Ginawa ng dalawa ang pagbibigay ng mga kulungan matapos bumisita sa City Pound si Manila City Mayor Isko Moreno noong June 28.

Ayon sa Manila-PIO ipinagpaliban muna ni Moreno ang pagsasagawa ng euthanization sa mga hayop na nasa pound na karamihan ay aso.

Umaasa pa ang alkalde na mayroon ding mag-aadopt sa mga hayop.

TAGS: animal cages, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, manila city pound, animal cages, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, manila city pound

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.