Alert status sa Metro Manila ibinaba ng NCRPO
Mula sa full alert ibinaba na sa heightened alert ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang alert status sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar, ginawa ang pag-downgrade sa alert status matapos ang validation at consultation sa iba pang law enforcement agencies at sa military units.
Simula alas 6:00 ng gabi kahapon, (July 1) ay umiral na ang heightened alert status sa NCR.
Ani Eleazar mananatili pa ring nakabantay ang pulisya lalo pa at may insidente ng pagpapasabog sa Sulu kamakailan.
Pinaalalahanan ang lahat ng unit at station commanders na tiyaking secured ang lahat ng PNP headquarters at offices, vital installations, economic key points at mga lugar kung saan maraming tao ang laging nagtitipon-tipon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.