Executive Order para sa ‘open governance’ policy nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno

Nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang kauna-unahan niyang executive order at ito ay may kaugnayan sa “Open Governance” policy sa Manila City government.

Sa ilalim ng Executive Order No. 1, ipinag-utos ni Moreno na maisapubliko ang lahat ng city government issuances sa kanilang official media platforms sa loob ng susunod na 24 na oras.

Kabilang sa ipinasasabuliko ang lahat ng executive orders, appointments, ordinances, at mga inaprubahang proyekto at aktibidad sa lungsod.

Nakasaad din sa utos na ang mga procurement at bidding activities, contract signings, official meetings ng City Officers ay dapat laging naka live via Facebook.

Pinagtatalaga din ang lahat ng city government departments ng kani-kanilang social media officer para makalikha ng sarili nilang Facebook at Twitter kung saan regular silang mag-aanunsyo at magbibigay ng updates sa mga programa, proyekto at aktibidad.

Ang City Public Information Officer ang magiging lead officer para matiyak na nasusunod ang nilalaman ng EO.

Read more...