Mga pulis na makakahuli ng wanted sa Maynila bibigyan ng pabuya ni Mayor Isko Moreno

By Ricky Brozas July 02, 2019 - 09:36 AM

Bilang na ang araw ng mga wanted o nagtatago sa batas sa lungsod ng Maynila.

Sa command visit ni Manila mayor Isko Moreno sa mga opisyal ng manila police district sinabi nito na magbibigay siya pabuya sa sinuman na mahuhuling wanted sa batas.

Sinabi ni Moreno na lahat ng mahuhuling wanted ay magbibigay siya ng P50,000 reward sa mga pulis.

Ayon sa alkalde wala siyang gustong wanted na manatili sa Maynila.

Sinabi ni Moreno sa kanyang intelligence fund kukunin ang magiging pabuya para sa ikakaaresto sa mga nagtatago sa batas.

Samantala, binalaan naman ng alkalde ang mga Pulis na maglinis sa kani kanilang presinto

Ayon sa alcalde, ayaw niyang dugyot o marumi ang mga PCP at presinto sa MPD dahil mdalas umano siyang magtungo sa presinto para makiihi.

TAGS: Isko Moreno, manila police, reward, wanted persons, Isko Moreno, manila police, reward, wanted persons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.