Pinay Filmmaker na si Baby Ruth Villarama, kabilang sa mahigit 800 bagong miyembro ng The Academy

By Dona Dominguez-Cargullo July 02, 2019 - 09:00 AM

FB Photo

Napabilang ang Filipina Filmmaker na si Baby Ruth Villarama sa mahigit 800 bagong magiging miyembro ng The Academy.

Ang mga miyembro ng The Academy ay kabilang sa mga sumasala at bumoboto para sa mapipiling mga pelikulang makapapasok sa Oscars.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Villarama ang kasiyahan.

Sinabi ni Villarama na karangalan niyang katawanin ang Pilipinas at itaas ang watawat ng Pilipinas sa The Academy.

Nasa ilalim ng Documentary Category si Villarama at tinukoy ang mga likha niyang “Sunday Beauty Queen” at “Jazz in Love”.

Kasama rin niya sa nasabing kategorya ang isa pang Pinay na si Ditsi Carolino na lumikha naman ng “Hindered Land” at “Bunso”.

Kahanay ni Villarama bilang bagong miyembro ng The Academy sina Lady Gaga, Sterling K Brown at Tom Holland.

Mahigit 842 ang inimbitahan ngayon ng The Academy para sa maging bagong miyembro at mula sila sa 59 na mga bansa.

TAGS: baby ruth villarama, Oscars, the academy, baby ruth villarama, Oscars, the academy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.