Ilang pasahero stranded dahil sa sama ng panahon

Ilang pasahero ang stranded sa Bicol at Western Visayas dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sa Pasacao Port sa Camarines Sur ay 40 pasahero ang stranded.

Mayroon namang stranded na 21 pasahero sa Pinagpala Pier sa Antique.

Nakararanas pa rin ng hindi magandang panahon sa nasabing mga lugar kahit pa wala na ang bagyong Egay.

Read more...