Mga taga-Central Luzon, magpapasko sa ibabaw ng mga dike

 

Inquirer file photo/Carmela Estrope

Malaki ang posibilidad na sa mga evacuation centers o di kaya ay sa mga dike magpasko ang libu-libong residenteng naapektuhan ng mga pagbaha sa gitnang Luzon.

Ito’y dahil sa pag-apaw ng Pampanga river dahil sa bagyong ‘Nona’ na nakakaapeketo sa mga residente ng Bulacan at Pampanga .

Ayon Pampanga River Flood Forecasting and Warning Center (PRFFWC), mananatili ang pagbaha ng ilang araw sa mga bayan ng Arayat , San Luis at San Simon at Candaba sa Pampanga dahil sa pagbaba ng tubig mula sa Nueva Ecija.

Damay din sa baha ang mga bayan ng San Miguel at San Ildefonso sa Bulacan. Calumpit, Hagonoy at Paombong.

Nagbabala rin ng posibilidad ng pagbaha ang PRFFWC sa mga bayan ng Angat, Norzagaray, Bustos, Baliwag, Pulilan at Plaridel sa mga susunod na araw.

Paliwanag ng ahensya, ang bayan ng Hagonoy, Calumpit ay nagsisilbing ‘catch basin’ ng tubig na nagmumula sa lalawigan ng Pampanga bago tumuloy sa Manila Bay.

Dahil dito, palagiang bumabaha sa mga naturang lugar sa tuwing uulan sa gitnang Luzon.

Sa kaslaukuyan, maraming mga lugar sa naturang mga bayan ang nakararanas ng mula tuhod hanggang beywang na taas ng tubig baha.

Read more...