Habagat magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng Luzon
Bagaman naging isang Low Pressure Area na lamang ang bagyong Egay, patuloy na makakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon ang Southwewst Monsoon o Habagat.
Makararanas ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat ang Pangasinan, Zambales, Bataan, Mindoro at Palawan.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat pa rin ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila.
Maulap na papawirin din na may kalat-kalat na pag-ulan dulot ng habagat ang mararanasan sa Western Visayas.
Habang mainit at maalinsangang panahon na ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas at sa buong Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.