Mayor Isko sa mga eskwelahan: Sundin ang class suspension
Iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi “frogmen” ang mga college students kasabay ng babala nito sa mga eskwelahan na hindi susunod sa utos niyang suspensyon ng klase kapag masama ang panahon.
Babala ito ni Moreno matapos na hanggang high school level o Grade 12 lamang ang class suspension ng University of the East-Manila araw ng Lunes.
Ito ay pagsuway sa utos ng alkalde na class suspension sa lahat ng lebel sa syudad dahil sa pag-uulan kahapon bunsod ng Habagat.
“Hindi po frogmen ang mga estudyante sa kolehiyo. Kung ano po ang pagpapahalaga ko sa mga maliliit na bata — estudyante ng elementarya, ng high school — ganoon din po ang equal na pagpapahalaga natin sa mga tertiary students, or college students,” ani Moreno sa kanyang Facebook live.
Ayon pa kay Moreno, hindi pwedeng gamitin ng UE na dahilan sa hindi pagsunod sa class suspension na ang unibersidad ay nasa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED).
“I hope you’ve learned your lesson. Never do that again to us,” he said. “We only care. But if you don’t care for your students, I think if I’m a parent, I will not ask my son or daughter to enroll in your institution. Mahalaga ang edukasyon. Pero mas mahalaga ang buhay at kaligtasan ng bawat estudyante. Baka palusutin ko kayo ngayong araw na ito sa ginawa niyong circumvention of our statement a while ago. Ayoko na pong maulit yan.”
Binalaan pa nito ang mga unibersidad at kolehiyo sa Maynila kabilang ang UE na ipapasara ang mga ito kapag hindi sumunod sa kanyang utos kaugnay ng suspensyon ng klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.