Comelec magsasagawa ng voter registrations sa mga mall, paaralan

By Rhommel Balasbas July 02, 2019 - 04:21 AM

Magkakaroon ng satellite registrations ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga paaralan at malls sa pagpapatuloy ng voter registration sa August 1.

Sa pahayag sa Twitter, sinabi ng poll body na layon ng hakbang na mas maraming Filipino ang makapagprehistro.

“COMELEC will be using satellite registration venues like malls and schools to ensure that the commission reaches out to new voter registrant,” ayon sa Comelec.

Tatakbo ang voter registration mula August 1 hanggang September 30 at pwede ring magparehistro ng Sabado at Linggo.

Nauna nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na inaasahan nilang nasa 2 milyon ang magpaparehistro sa dalawang buwan.

Hindi na kailangan pang magparehistro ng Sangguniang Kabataan (SK) voters na sumapit na sa 18 taong gulang dahil awtomatikong ililipat ang kanilang pangalan sa regular List of Voters.

Isasagawa ang Barangay at SK elections sa ikalawang Lunes ng May 2020.

 

TAGS: comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, List of Voters, mall, paaralan, rehistro, rehostro, sangguniang kabataan, satellite registrations, SK voters, voter registration, comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, List of Voters, mall, paaralan, rehistro, rehostro, sangguniang kabataan, satellite registrations, SK voters, voter registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.