Diumano’y sindikato na namemeke ng titulo ng lupa kakasuhan

By Jay Dones December 21, 2015 - 04:59 AM

 

Mula sa inquirer.net

Nakatakdang maghain ng reklamo ang Criminal Investigation and Detection Group ng kasong falsification of documents laban sa tatlong suspek na sangkot umano sa malawakang pamemeke ng mga titulo ng lupa sa Metro Manila.

Ayon sa impormasyon ng Inquirer, sangkot ang mga suspek sa pamemeke ng mga land titles ng mga lupain na mayroong kasalukuyang isinasagawang mga high rise commercial at residential constructions.

Nakatakdang ihain ang mga reklamo laban sa hindi muna pinangalanang mga suspek sa tanggapan ng Pasay City Prosecutors office ngayong umaga.

May kinalaman ang kaso sa reklamo ng mga tagapagmana ni Eulalio Ragua, na may-ari umano ng mga mamahaling lote na nakakalat sa Kalakhang Maynila partikular sa tinatawag na DIliman Estate sa Quezon City at Caloocan.

Noong 2013, isang suspek ang naaresto ng PNP at marekober dito ang isang Original Certificate of Title 632 o OCT 632 na nagsasabing ang pamilya Ragua ang may-ari ng naturang lupain. Taong 1980 nang pumabor ang korte sa pamilya Ragua na magkaroon ng reconstitution ng OCT 632.

Gayunman, makalipas ang walong taon, natalo naman ang pamilya Ragua nang iapela ng mga respondents na pinangungunahan ng Philippine Homesite and Housing Corporation at ng angkan ng mga Tuazon ang kaso sa Court of Appeals.

Giit ng CA, peke at kuwestyunable ang OCT 632 ng pamilya Ragua.

Noong nakalipas na February 28, 2015, nagdesisyon na ang Korte Suprema na pabor sa mga respondents na sina Tuazon at PHHC sa pagsasabing kuwestyunable ang mga titulong hawak ng mga Ragua.

Gayunman, nitong nakaraang taon, naaresto ang isang nagngangalang Antonio M. Luna matapos umanong kikilan ng 5 milyong piso ang angkan ng mga Ragua kapalit ng orihinal na kopya ng land title kung saan sila nakatira sa Agham Rd. sa Quezon City.

Gayunman, lumilitaw na si Luna ay son-in-law ng abugado ng angkan ng mga Ragua nang pinaglalaban pa ng mga ito ang kanilang karapatan sa Diliman Estate.

Dahil sa bagong development sa kaso, naniniwala ang mga otoridad na magkakaroon ng bagong pag-asa ang angkan ng mga Ragua na mabawi ang DIliman Estate mula sa mga may hawak nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.