Sa isang panayam, sinabi ni EDSA Special Traffic and Transport Zone chief Bong Nebrija na pinagtutuunan na nila ng pansin ang mga pangamba na itinaas sa Senate inquiry noong 2018 ukol sa HOV scheme.
Ito ay para hindi na anya sila makwestyon sakaling ipatupad muli ang polisiya.
Ayon sa traffic czar, ito ang kanilang plan B sakaling ipahinto ng Korte Suprema ang implementasyon ng provincial bus ban sa EDSA.
Marami ang nagpetisyon sa SC na pagpapatupad sa provincial bus ban na tinawag na ‘anti-poor’.
Ang HOV scheme ay nagbabawal sa pagdaan sa EDSA ng mga sasakyang driver lamang ang laman tuwing rush hours.
Nagsagawa ng dry run sa HOV scheme noong Agosto 2018 ngunit mariin itong tinutulan ng Senado at nakatanggap ng batikos mula sa mga motorista.