Special non-working day sa Pasig ngayong Martes

By Chona Yu July 02, 2019 - 03:56 AM

Ideneklarang special non-working day ng Palasyo ng Malakanyang ngayong Martes July 2 sa Pasig City.

Sa proclamation number 758 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, walang pasok ngayong araw sa Pasig para bigyang-daan ang selebrasyon ng ika-446 na anibersaryo ng siyudad at hayaang makalahok ang mga taga-Pasig sa anumang aktibidad.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang proklamasyon noon pang June 26 subalit araw ng Lunes lamang inilabas ng Malakanyang ang dokumento.

Base sa nakasaad sa Department of Labor and Employment (DOLE) holiday rules, makatatanggap ng 30 percent na dagdag sa arawang sahod ang mga regular na empleyado na papasok sa Pasig City ngayong Martes.

 

TAGS: DOLE, holiday rule, ika-446 anibersaryo, July 2, Pasig City, proclamation number 758, Special non-working day, DOLE, holiday rule, ika-446 anibersaryo, July 2, Pasig City, proclamation number 758, Special non-working day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.