Ang beteranong player na si Beau Belga ang pinakahuling player na sumama sa practice ng Gilas Pilipinas.
Kabilang ang Rain or Shine big man sa 12 players na nasa training session ng national basketball team sa Meralco Gym.
Una rito ay nag-practice rin si Stanley Pringle kasama ang Gilas noong nakaraang linggo.
Dahil dito ay nakapagsagawa na ang Gilas ng 5-on-5 drills.
Bukod kay Belga, present sa practice sina Poy Erram, Kiefer Ravena, Paul Lee, CJ Perez, Gabe Norwood, Robert Bolick, Mark Barroca, June Mar Fajardo, Roger Pogoy, Japeth Aguilar, at Raymond Almazan.
Muling sumama sa practice sina Perez at Bolick matapos na pormal na maimbitahan na maging bahagi ng Gilas pool.
Naghahanda ang Gilas para sa magiging kampanya nito sa FIBA.
MOST READ
LATEST STORIES