Oil price hike epektibo na ngayong umaga

By Rhommel Balasbas July 02, 2019 - 03:01 AM

Epektibo na alas-6:00 ng umaga ng Martes July 2 ang ikatlong sunod na linggong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng lahat ng kumpanya ng langis, madadagdagan ng P1.20 kada litro ang presyo ng gasolina at P0.95 naman sa kada litro ng diesel.

Ang Shell, Seaoil, Petron, Flying V ay may dagdag namang P1 sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Tumaas muli ang presyo ng lokal na petrolyo dahil sa trade concerns at tensyon sa Gitnang Silangan.

Bago ang price movement ngayong umaga, simula noong Enero 1 ay umabot na ang net increase sa P3.70 kada litro sa gasolina, P2.75 sa kada litro ng diesel at P1.10 sa kada litro ng gaas batay sa datos ng Department of Energy (DOE).

 

TAGS: diesel, DOE, gaas, gasolina, Gitnang Silangan, ikatlong sunod, kerosene, langis, oil price hike, petrolyo, Presyo, produktong petrolyo, taas presyo, trade concern, diesel, DOE, gaas, gasolina, Gitnang Silangan, ikatlong sunod, kerosene, langis, oil price hike, petrolyo, Presyo, produktong petrolyo, taas presyo, trade concern

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.