Wagi ang gobyerno sa tatlong taong kampanya laban sa ilegal na droga, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na ang pagbuti ng kapayapaan at kaayusan sa bansa ang sumasalalim sa tagumpay ng gobyerno sa war on drugs.
Inamin naman ng PNP chief na marami pang dapat gawing aksyon para maging drug-free ang Pilipinas bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.
Kailangan aniyang mag-double time ng pulisya para tuluyang masugpo ang problema sa droga sa bansa.
Sa datos ng PNP, nasa 6,600 na drug suspect ang nasawi sa anti-drug operations sa buong bansa mula July 2016 hanggang May 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.