PNP aarestuhin ang maghahain ng impeachment kapag inutos ni Duterte

Screengrab of PNP video

Aarestuhin ng Philippine National Police (PNP) kung ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa sinumang maghahain ng impeachment complaint laban sa kanya.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na gagawin ito ng kanilang hanay kung makikitaan din ng paglabag sa batas ang nasabing hakbang laban sa pangulo.

Tiniyak naman ni Albayalde na wala pang ibinibigay na direktiba ang Punong Ehekutibo ukol dito.

Magsasagawa naman aniya ang PNP ng imbestigasyon bago arestuhin ang sinumang may balak sa pabagsakin sa pwesto si Duterte.

Paliwanag ni Albayalde, hindi maaaring basta-basta hulihin o kunin ang sinuman na itinuro lamang.

 

Read more...