Medical Cannabis Legalization, isa sa mga unang panukala sa Kamara ngayong 18th Congress
Sa pagsisimula ng 18th Congress, kanya-kanya na sa paghain ng panukalang batas ang staff ng mga kongresista.
Isa sa mga unang panukala na inihain ay ang legalisasyon ng medical cannabis.
Ito ay panukalang batas na nais isulong ni Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano na kapatid ng dating nagsusulong na si dating Rep. at ngayon ay Isabela Gov. Rodito. Albano.
Ang medical marijuana bill ay pumasa sa third and final reading noong nakalipas na Kongreso pero natulog lamang sa Senado.
Samantala, kabilang naman sa unang limang mga panukalang batas na naisumite ay ang paglikha sa Mega Cebu Development Authority ni Rep. Raul del Mar; Freedom of Information Bill, panukalang payagan ang motorsiklo na magamit bilang pampublikong sasakyan, pagpapatayo sa light rail transport o metro rail transport sa Cebu at ang human rights defenders protection bill.
Ang mga kongresista ay binigyan ng tig-sampung mga panukalang batas na maihain sa unang batch ng filing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.