Mga nagprotesta pinasok at sinira ang gusali ng parliament sa Hong Kong
Pinasok ng mga anti-government protesters ang main debating chamber ng Parliament ng Hong Kong araw ng Lunes.
Sa pagsalakay ng libo-libong protesters, sinira ang mga bintana at pinto at mga istraktura at gamit sa loob ng gusali.
Naka-maskara ang mga raliyista at sumisigaw sa kanilang pagpasok sa Parliament chamber.
Pininturahan at nilagyan ng mga raliyista ng iba’t ibang drawing ang mga dingding sa loob.
Dahil hindi nakontrol, umatras ang riot police na nagbabatay sa labas ng gusali.
Pero kalaunan ay nabawi ng pulisya ang parliament chamber matapos nilang hagisan ng tear gas ang mga nagprotesta.
Umigting ang tensyon sa Hong Kong dahil sa panukala kaugnay ng extradition law kung saan dadalhin sa China ang mga suspek para doon litisin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.