Duterte at Xi Jingping may verbal agreement sa pangingisda sa WPA ayon kay Panelo

By Chona Yu July 01, 2019 - 04:38 PM

Malacanang photo

Informal at verbal agreement lamang ang naging kasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na hayaan ang China na makapangisda sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Katunayan, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, pabulong lamang ang naturang kasunduan nang magkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Xi sa Beijing noong 2016.

Bagaman verbal agreement lamang ito ipinaliwanag ni Panelo na ito ay maituturing na binding kahit walang pinipirmahang agreement o anumang written agreement ang dalawang lider.

Ayon kay Panelo, panghahawakan ni Pangulong Duterte ang word of honor ng China.

Sa ngayon, aminado si Panelo na hindi maaaring idiga ng Pilipinas ang desisyon ng permanent court of arbitration na kumakatig sa bansa sa pangambang gyerahin ng China ang Pilipinas.

Nauna nang sinabi ng mga kritiko ng pangulo na gagamitin nila ang nasabing isyu para sampahan ng impeachment complaint si Duterte.

TAGS: China, duterte, panelo, west philipppine sea, Xi Jinping, China, duterte, panelo, west philipppine sea, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.