Malaysian jihadist napatay umano sa operasyon ng militar sa Basilan

 

Inquirer file photo

Kinumpirma ng militar na napatay sa nagpapatuloy nilang opensiba ang isang Malaysian jihadist na nagtatago sa Basilan.

Ayon kay Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command na batay sa kanilang natanggap na ulat, isa si Mohammad Najib Hussein alias Abu Anas sa 26 na napatay ng mga bandido kamakailan.

Ang 38-anyos na si Hussein aniya ay isang bomb-maker na may koneksyon sa Islamic State o IS.

Isa umano ito sa notoryosong personalidad kasapi ng  ‘Black Flag’ cell ni Universiti Malaya professor, Dr. Mahmud Ahmad, alias Abu Handzalah na nagtatago sa Mindanao.

Dati umanong may-ari ng isang photo at stationary shop sa Universiti Malaya si Hussein sa Petaling Jaya sa Malaysia si Hussein ngunit nagtago noong July 2014 sa Pilipinas matapos umanib sa Islamic State.

Sa kabila ng ulat, nagpapapatuloy aniya ang kanilang pagkalap ng karagdagang beripikasyon sa naturang impormasyon kabilang na ang paghahanap sa bangkay nito.

Read more...