“Student free ride” sa MRT, LRT at PNR tagumpay ayon sa DOTr

Inquirer photo

Umabot sa 5,000 estudyante ang nakinabang sa unang araw ng “student free ride” ng Department of Transportation (DOTr), araw ng Lunes (July 1).

Sa pre-State of the Nation Address (SONA) Economic and Infrastructure forum sa Pasay City, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang nasabing bilang ng mga estudyante na napagkalooban ng libreng sakay ay hanggang alas-onse pa lamang ng umaga.

Samantalang hinihintay pa nila ang bilang para ngayon hapon kaugnay sa implementasyon ng nasabing proyekto ng DOTr.

Mayroong itinakdang oras ang libreng sakay ng DOTr para sa mga estudyante sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railway (PNR).

Sa pilot run nito, kinakailangan lamang ng mga estudyante na iprisinta ang kanilang ID para makuha ang libreng sakay.

Ngunit, kailangan ding kumuha ng Student Free Ride ID sa pamamagitan ng pag-register online sa website ng kagawaran maging ng MRT-3 at Light Rail Transit Authority (LRTA).

Read more...