Palasyo nanindigan na tama lang na payagan ang mga Chinese na pumasok sa EEZ
Inilalagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panganib ang buhay ng bawat Filipino kung ipipilit ang probisyon sa konstitusyon na Exclusive Economic Zone sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag iginit ng pangulo ang Article XII Section 2 ng 1987 Constitution na na nagsasabing “the state shall protect the nation’s marine wealth in archipelagic waters, territorial seas at eez”, magkakagulo lamang ito dahil malinaw na ayaw ito ng china.
Ayon kay Panelo, walang mahihita ang Pilipinas kung ipipilit ang naturang probisyon.
Katunayan kawalan pa ito sa Pilipinas dahil maaring maapektuhan ang trade relations ng dalawang bansa.
Una rito, sinabi ni Pangulong Duterte na nagbanta ang China na magkakagulo ang dalawang bansa kung ipipilit ng Pilipinas ang pag-angkin sa mga teritoryo sa West Philippine Sea na pinaboran ng permanent court of arbitration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.