Impeachment case laban kay Duterte handang iendorso ng Makabayan bloc
Handa ang Makabayan Bloc sa Kamara na mag-endorso ng panibagong impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong payagan ang mga mangingisdang Chinese na pumasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio, malinaw ang basehan ng impeachment sang-ayon sa pahayag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na paglabag sa Konstitusyon ang pagpapahintulot sa Chinese fishermen.
Kaya sakaling may indibidwal o grupo na maghahain ng impeachment complaint sa Kamara ay agad itong ieendorso ng Makabayan Bloc.
Ipinaliwanag rin ni Tinio na ang statement ni Pangulong Duterte ay mismong foreign policy ng administrasyon na direktang lumalabag sa isang malinaw na probisyon sa Saligang Batas.
Sa ngayon ay kailangan aniyang humanap ng tamang panahon sa paghahain ng impeachment complaint lalo’t hinihintay ang basbas ng punong ehekutibo ukol sa speakership.
Gayunman, aminado ang kongresista na tagilid ang ihahaing impeachment laban sa pangulo at maaaring itapon na naman sa basurahan ng House Justice Committee dahil sa posibleng pag-usbong muli ng supermajority sa Kamara
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.