China ayaw ng third party investigation sa Recto Bank incident

By Chona Yu July 01, 2019 - 12:49 PM

Ayaw ng China na magkaroon ng third party sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa Recto Bank incident.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi sa kanya ni Philippine Ambassador to China Chito Santa Romana na ayaw ng China ng third prty.

Ipinaabot kay Santa Romana ang pag-ayaw ng China sa pamamagitan ng kanilang Chinese Foreign Minister

Ayon ay Panelo, ikinakatwiran ng China na hindi na kailangan ang third party kung magkakasundo naman ang China at Pilipinas sa resulta ng imbestigasyon.

Gayunman, sinabi ni Panelo na kapag hindi nagkatugma ang imbestigasyon ng Pilipinas at China, ipipilit ng bansa ang pagkakaroon ng third party.

Una rito, sinabi ni Pangulong Duterte na pabor siyang magkaroon ng third party sa imbestigasyon sa Recto Bank incident kung saan iniwan sa karagatan ang 22 dalawang Filipinong mangingisda.

TAGS: China, philippines, Recto Bank incident, third party investigation, China, philippines, Recto Bank incident, third party investigation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.