Halos P50M halaga ng marijuana sinira ng PNP at PDEA sa Tinglayan, Kalinga

By Jimmy Tamayo July 01, 2019 - 12:37 PM

FILE PHOTO

Aabot sa halos P50-milyong halaga ng marijuana ang sinira ng joint operatives ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa serye ng operasyon sa Kalinga province.

Ayon kay PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) director, Brig. Gen. Ignatius Ferro ang operasyon ay bahagi ng Oplan Green Pearl Charlie na naglalayong linisin ang mga barangays sa iligal na droga partikular sa bayan ng Tinglayan.

Aabot sa 240,000 na piraso ng fully grown marijuana na nagkakahalaga ng P49.6-milyon ang nakuha nila sa loob ng 3 araw na operasyon o mula June 27 hanggang 29.

Wala namang naarestong suspek sa nasabing operasyon pero patuloy ang ginagawang monitoring ng otoridad.

Umaasa naman si Ferro na ang operasyon ay magsisilbing babala laban sa iba pang sangkot sa iligal na aktibidad sa kanilang lugar.

TAGS: Kalinga, marjiuana, PDEA, PNP, tinglayan, Kalinga, marjiuana, PDEA, PNP, tinglayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.