Panukala para sa pagbuo ng dalawang bagong kagawaran kasama sa ‘pet bills’ ni Sen. Pangilinan
Itutulak ni Senator Francis Pangilinan sa 18th Congress ang pagbuo dalawang bagong kagawaran, ang Department of Fisheries and Aquatic Resources at Department of Disaster and Emergency Management.
Bukod pa dito, muli din isusulong ni Pangilinan ang Coco Levy Act, National Land Use Act of 2019, Rainwater Management Bill, Single Use Plastic Regulation and Management Act at Basic Education Teachers Pay Increase Act.
Sinabi pa ni Pangilinan na may mga panukala din siya para mapagbuti ang post-harvest facilities, organic farming at expanded crop insurance para sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa senador kapag tumaas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda, gagaan ang kahirapan sa kanayunan kaya’t aniya magsusulong din siya ng mga panukala para sa sa pangangalaga sa kalikasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.