Kris Aquino magiging ninang sa kasal nina Angel Locsin at Neil Arce

By Jimmy Tamayo July 01, 2019 - 12:17 PM SHARE(S):

May nakatutuwang tanong si Kris Aquino sa Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Ito’y matapos ianunsyo ang engagement sa pagitan ni Angel at ng kanyang boyfriend na si Neil Arce.

Sa Instagram post ng engagement ng dalawa, nagkomento si Aquino kung siya pa rin ba ang ninang sa kasal ng aktres.

Agad namang nag-reply si Angel : “Yes please ate!!! Please be our ninang!”

Noong si Luis Manzano pa ang boyfriend ni Angel lagi niyang tinatawag si Kris na ninang tuwing magiging guest sa programa nitong Krist TV.

Sabado, June 29 ay ibinahagi ni Neil sa kanyang IG account ang proposal niya sa aktres.

Umani naman ito ng positibong reaksyon sa kanilang mga kaibigan gaya nina Bea Alonzo, Marian Rivera, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Vice Ganda at iba pang artista.

Samantala, hindi naman nakaligtas kay Kris ang kuko ni Angel.

Sinabi ni Kris na halatang nakahanda si Angel sa proposal dahil base aniya sa larawan ay nakuha pa nitong magpa-manicure.

Pabiro naman itong sinagot ng aktres na ayaw niyang ma-bash.

TAGS: Angel Locsin, Kris Aquino, Neil Arce, Radyo Inquirer, Angel Locsin, Kris Aquino, Neil Arce, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.