Vintage bomb nadiskubre sa Tondo, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2019 - 10:34 AM

Natagpuan ang isang vintage bomb sa bahagi ng waterway sa Balut, Tondo Maynila.

Nangungulekta ng recyclable materials ang mga bata Linggo (June 30) ng hapon nang makita ang bomba.

Ayon sa mga tauhan ng Manila Police, hindi agad nalaman ng mga bata na vintage bomb pala ang kanilang nadampot kaya dinala pa nila ito sa junkshop para ipa-kilo.

Pero pagdating sa junkshop sinabi ng may-ari ng establisyimento na isa itong bomba.

Agad namang nai-turn over sa mga tauhan ng Raxabago Police station ang nasabing vintage bomb.

TAGS: Radyo Inquirer, Tondo Manila, vintage bomb, Radyo Inquirer, Tondo Manila, vintage bomb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.