Klase sa lahat ng antas sa Maynila suspendido na mula 12:00 ng tanghali

Suspendido na ang pasok sa lahat ng antas, public at private sa lungsod ng Maynila mula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw (July 1).

Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang class suspension sa pamamagitan ng Facebook Live.

Sinabi ni Moreno na sakop ng suspensyon hanggang sa College levels pati na ang mga nasa pribadong unibersidad.

Ang mga nasa eskwelahan naman na ay kailangan na aniyang pauwiin pagsapit ng alas 12:00 ng tanghali.

Read more...