Paglantad ng mga umano’y tiyahin ni Sen. Poe, hindi udyok ng pera

By Jay Dones December 20, 2015 - 09:33 PM

 

Kuha ni Nestor Burgos/Inquirer

Mariing itinanggi ng magkapatid na Junie at Teresa Rodriguez na pera ang dahilan ng kanilang biglaang paglantad at pagsasabing kilala nila ang tunay na ina ni Senadora Grace Poe.

Sa panayam ng Philippine Daily Inquirer, iginiit ng mga ito na na nais lamang nilang matulungan ang senadora sa kinakaharap nitong disqualification case.

Makukunsyensya sila aniya kung madidis-qualify ang mambabatas dahil sa isyu ng pagiging pulot nito o ‘foundling’ samantalang kilala naman nila ang tunay na ina nito.

Ang magkapatid, na residente ng Barangay East Valencia sa bayan ng Buenavista sa Guimaras ay lumantad kamakailan at nagsabi na ang kanilang namayapang kapatid na si Victoria ang tunay na ina ng senadora.

Isa namang retiradong judge sa Bacolod ang nag-alok ng P300,000 para sa sinumang makapagbibigay ng konkretong impormasyon sa tunay na mga magulang ni Poe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.