Tatlong improvised explosive device (IED) ang pinasabog ng mga hinihinalang mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa Indanan, Sulu, Linggo ng umaga.
Walang nasugatan sa naturang mga pagpapasabog.
Ayon kay Brig. Gen. Allan Arrojado, commander ng AFP Joint Task Group Sulu, naganap ang serye ng mga pagpapasabog sa kahabaan ng Km. 3, road dakong alas-8:25 ng umaga.
Paniniwala ni Arrojado, target ng mga bandido ang grupo ng mga sundalo na dadaan sana sa lugar upang maglunsad ng operasyon ngunit nabigo ito.
Napag-alamang segundo lamang ang agwat nang sumabog ang tatlong IED at ang pagdaan ng mga sundalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.