Miyembro ng CAFGU sugatan matapos mabaril ng isang sundalo habang nag-iinuman

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2019 - 07:59 AM

Sugatan ang isang miyembro ng CAGFU na nakatalaga sa Moises Padilla sa Negros Occidental makaraang mabaril ng isang sundalo, Linggo (June 30) ng gabi.

Nangyari ang insidente sa loob mismo ng patrol base ng Delta Company kung saan nag-iinuman ang biktimang CAFGU at isang military sergeant.

Tama ng bala ng sa leeg ang tinamo ng CAFGU na agad isinugod sa ospital sa Bacolod City.

Agad namang sumuko ang suspek at hawak na ngayon ng mga otoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa habang nag-iinuman.

At dahil kapwa nakainom ay nauwi sa pamamaril ang alitan.

Mahaharap ang suspek sa kasong frustraded homicide.

TAGS: cafgu, negros, Negros Occidental, cafgu, negros, Negros Occidental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.