Kevin Durant iiwan na ang Warriors; lalagda ng 4-year deal sa Brooklyn Nets

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2019 - 07:55 AM SHARE(S):

Iiwan na ni two-time NBA Finals Most Valuable Player Kevin Durant ang koponang Golden State Warriors.

Kinumpirma ni Durant na lalagda na sya ng 4-year deal sa Brooklyn Nets.

Ito ay sa sandaling matapos ang free agent moratorium sa July 6.

Ang kumpirmasyon ay inilathala ng The Boardroom, ang sports-business network na pag-aari ng kumpanya ni Durant.

Maaring umabot ng $164 million ang maximum deal para sa manlalaro.

Si Durant ay naglaro sa Warriors mula taong 2016.

TAGS: Brooklyn Nets, Kevin Durant, NBA, warriors, Brooklyn Nets, Kevin Durant, NBA, warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.